Dolores, City of San Fernando, Pampanga, Philippines
Sunday, 2026-Apr-05, 8:26 AM
Login form

Liturgy

Committees
  • YVJ Staff
  • Creative & Technical
  • Juventus Circle
  • Business & Finance

Section categories
love [0]
family [0]
teens [0]
internet [0]
games [0]
business [0]
school [0]
technology [0]
youth [1]
computer [0]
cell phones [1]
tv [0]
music [0]
movies [0]
books [1]
community [0]
society [1]
politics and government [1]
travel [0]
religion [0]
fashion [0]
showbiz [0]
reflection [1]

Search

Our poll
Rate our site
Total of answers: 27

Statistics
Total online: 3
Guests: 3
Users: 0

Main » Articles » society

Pilipinas Kong Mahal, Saan Ka Na Patungo?

EDSA 1… Erap resign… ngayon Gloria resign… noise barrage? …blow your horns? …kandila? …rosaryo? …misa? …pari? …madre? …mag-rally sa EDSA? Hanggang saan ba tayo hihinto? Hanngang kailan tayo magtitiis? Kailangan bang datnan pa ito ng susunod na henerasyon…?


Sumulat po ako dito hindi dahil may kinakampihan ako. Sumulat ako dahil ako’y naguguluhan at nagsusumamo para sa mga susunod na henerasyon. Henerasyong nangangailangan ng higit na kalinga at henerasyong nangangailangan ng matibay na pundasyon ng isang buo at matatag na pamilya. Pamilyang tatayo para sa katotohanan. Pero nasaan ang katotohanan ngayon? Sino ang nagsasabi ng totoo? Kanino pa ako maniniwala? Kanino papanig? Kay Lozada? Kay Neri? Atienza? Cory? Sa pari? Sa madre? Sa CBCP? Sa mga kabataang nag-ra-rally na hindi naman lubos na maintindihan din kung sino ang totoo? O sa mga pulitikong pumapanig kung saan ang marami?


ANG SA AKIN LANG: Pag-aralan muna sana natin ang bawa’t bagay. Hindi iyong padalos-dalos. Protesta ba kaagad ang sagot at sa mga kalsada ba dapat idaan ang lahat? Saan matatapos? Kapag may bumaba na naman sa puwesto? Pagkatapos, aayos na ba ang buhay ng bawa’t Pilipino? Giginhawa na ba ang mga taong patuloy na walang trabaho? Matatangal na ba sa listahan ng mga pautang ang Pilipinas? HINDI, DI BA?


Si Lozada lang ba ang susi para sa katotohanan? Siya ba talaga ang nagsasabi ng totoo? O ang mga senador na pumapanig sa kanya? O ang ating pangulo ba na patuloy na nanahimik at patuloy ang kanyang pagtatrabaho? OO, tunay naman na nakakabilib ang ginawa ni Lozada. Katotohanan ang kanyang inilahad at siya ay may pagmamalasakit sa aming mga kabataan. Eh, ang TANONG:


SINO ANG PUPWESTO SA PAGKA-PANGULO NA HINDI HUHUSGAHAN AT HINDI PABABABAIN SA PWESTO??


ZTE? Zino ang Totoong Ehemplo ng Pilipinas? Si Cory na pumalit kay Marcos dahil sa siya ay isang diktador? Nagtiwala ba kayo? Marami din ipinukol sa kanyang panunungkulan, di ba? Si Erap na ibinoto para sa mahirap, saan siya napunta? Na pinababa sa puwesto dahil sa corruption na kanyang ginawa? May nagbago ba? Natapos ba ang kaso? Saan na tayo ngayon papunta? Nasaan tayo ngayon? Sino ba talaga ang gusto ninyong umupo at mamahala? Ngayon si Pangulong Gloria ang pumalit... na dahil sa Hello Garci at ngayon ZTE, gusto na naman palitan at pababain? Sino ba sa mga nanunungkulan ang malinis? Mapanghusgang paratang na lumalaki at di alam kung saan tutungo… Ngayon sino ang gusto ninyong pumalit kay Pangulong Gloria? Si Noli de Castro? Kapag umupo si Noli, ano nanaman kaya ang uungkatin para pababain si Noli? EDSA na naman? Sino ang susunod na pangulo ng Pilipinas na ating iboboto na magiging tapat at hindi huhusgahan pagkatapos iluklok?


PERA! PERA!! Mapanirang materyal na sumisira sa bawa’t relasyon!! KASAKIMAN!!! At pansariling interes ang tinatrabaho??? Sino ba talaga ang gusto ninyong iluklok? Na hindi natin huhusgahan at sisirain? Ganyan na ba ang gusto nating mangyari sa tuwing may pagkakamali? Ni isa sa atin ay walang perpekto! Pero napapansin niyo ba ang mga magagandang nagawa ng bawa’t isa? Hindi lamang ang pangulo kundi pati na rin ang mga kawani ng ating pamahalaan. Paano na ang tapat na naglilingkod sa aming mga kabataan? Puro na lang ang pagkakamali ang nakikita? At natatakpan ang kabutihan.


Inuulit ko, wala akong pinapanigan. Ang sa akin lang paulit-ulit na senaryo na lang ang nangyayari sa ating bansa. Paano na ang mga kabataang nanonood at nakikinig sa mga balita tungkol sa Pilipinas? Puro katiwalian, kasakiman, at pera ang ipinapakitang ehemplo sa mga kabataan. Bakit hindi iyong maganda at makabuluhang pangyayari sa bansa. Halimbawa: Isang Pilipina naging bayani sa ibang bansa. Mga Pilipino ipinag-mamalaki sa katapatang ginawa sa ibang bansa. O marinig man lang sana natin na ang mga Pilipino ang nagkakaisa para sa pag-asenso ng bansa. Hindi iyang nagsi-sigawan sa senado, nagtatalunan kung sino ang tama at magaling, nagmamalinis sa gobyerno… Iyan ba ang gusto natin? Ang ipagmalaki sa lahat na ang isang maganda at pinagpalang bansa, ngayon ay patuloy na umiiyak?


Ano ang sagot? PAGTITIWALA, PAGDARASAL, at MAGTRABAHO ayon sa tama. Para sa akin, iyon ang nararapat. Kung patuloy tayong mag-tatanong kung ano ang nangyayari sa bansa, nawawalan tayo ng tiwala sa isa’t isa at patuloy na magmamalinis… Kailan ito hihinto? Nasisiguro ba natin na ang mga nakaupo talaga ang gumagawa ng katiwalian? O baka naman ang mga mapa-namantalang galamay? SINO? SINO?!!


Nakakasawang balita... Nakaka-sawang rally sa EDSA… Nakakainis na isyu tungkol sa katiwalian… Nakaka-awang mga kabataan na higit na nangangailangn ng bawa’t barya at perang iniaalay… Nakakaawang mga kabataang patuloy na gingamit para matamo ang sinasabing kapayapaan para sa bansa… Nakakaawang mga kabataan na hindi na malaman kung sino ang nagsasabi ng totoo? Nakakaawang bansang patuloy sa pag-iyak at patuloy na humihingi ng saklolo at tulong para sa kapayapaan nito… Sino ang lalapitan? Sino ang tu-tulong? At nakakaawang imahe ng EDSA na patuloy na ginagamit para matamo raw ang sinasabing katotohan?


Sa aking mga katulad na kabataan: Ako rin tulad ninyo ay naghahanap at nakikipaglaban para sa katotohanan. Ngunit sa ating nasasaksihan sa araw-araw, sino pa ba ang maaari nating pagkatiwalaan? Sino pa ba ang tatayo sa harap natin bilang pangulo ng bansa? Bansang ipinaglaban ng isa ring kabataan na si Rizal. Isang bansang ipinaglaban ng mga Pilipinong sundalo na naging bayani para hindi ito masakop ninuman. At isang bansang nagsumikap para matamo ang kalayaan laban sa sino mang nanghamak at nagtangkang sakupin ito. Sino pa sa mga boses natin sa senado ang nagtatrabaho para sa isa’t-isa? Sino pa ba sa kanila ang malinis? Eh sa bawat balita at pahayagan, may kani-kanyang isyu silang hinaharap.


Sa mga taong patuloy na naglilingkod nang tapat: Ako po ay sumasaludo sa inyong kagitingan at katapatan. Nawa’y madatnan pa kayo ng mga susunod na henerasyon. At ako’y sumasaludo sa inyong pagtatrabaho nang walang hinihinging higit sa nararapat para sa isa’t isa.


Para sa lahat: Bawa’t isa po sa atin ay naghahanap ng katotohanan. Ngunit ang tanong ko po. Sino pa ba ang maglilingkod sa atin nang tapat kung sa simula pa lang ay nawawala na ang TIWALA natin sa isa’t-isa? Pero naniniwala pa rin ako na mayroon pang natitirang mga taong tunay na magmamalasakit sa ating bansa. Alam ko na hindi tayo mananahimik hangga’t hindi natin nakikita ang taong may tunay na may paninindigan at takot sa Diyos na hindi gagawa ng anumang anomalya para sa ikasisira ng ating bansa. “TRY AND TRY UNTIL YOU SUCCEED” ang kasabihan na matatamo rin natin ang tagumpay sa kabila ng lahat ng ating pinagdadaanan. Alam kong magsasawa rin ang mga taong may sariling interes na gustong maglingkod sa ating mga Pilipino.

 

PANAWAGAN: Kung sino ka mang matapang, may paninindigan, may totoong pagmamalasakit, at hindi gagawa ng anumang bagay na makasisira sa bawa’t isa at may takot sa Diyos, ikaw ang nararapat na iluklok at magtanggol para sa lahat. Nawa’y itong aking simpleng pagbabahagi ng aking nararamdaman tungkol sa isyu at gulong ating hinaharap ngayon ay makapagdulot man lang ng kaunting kirot sa puso ng bawa’t Pilipinong nagnanais ding tulad ko ng mapayapa at mapagkakatiwalaang pamahalaan, at makapaghandog ng tamang pagdedesisyon sa bawa’t isa sa mga hakbang at paraan na ating babalakin at gagawin.

 

AT SA HULI: Nawa’y matamo natin ang pinapangarap, ina-asam, at pinapanalangin ng bawa’t Pilipino para sa tunay na kapayapaan at kaunlaran ng ating bansa sa pamamagitan ng paglabas ng katotohanan at pagsasabi ng totoo ng mga taong nasa likod ng isa na namang pagsubok na hinaharap ng ating bansa at manaig ang pagdarasal para sa katotohanan.

 

Everyone should be quick to listen, slow to speak, and slow to anger.”

– James  1:19

 

You, therefore, have no excuse, you who pass judgement on someone else, for at whatever point you judge the other, you are condemning yourself, because you who pass judgement do the same things.”

– Romans 2:1

 

In your unfailing love, you will lead the people you have redeemed. In your strength, you will guide them to your holy dwelling.

– Exodus 15:13

 

Why do you look at the speck of sawdust in your brother’s eye and pay no attention to the plank in your own eye?”

– Matthew 7:3

 

Category: society | Added by: lizette (2009-Mar-05)
Views: 5412 | Comments: 3 | Rating: 5.0/2 |
Total comments: 3
3 isabel marant tennis shoes  
0
isabel marant sneaker online
baskets isabel marant
isabel marant sneaker
http://www.isabelmarantshoesale.com/#isabel-marant-buy
isabel marant sale
isabel marant dicker
isabel marant shoes
http://www.isabelmarantshoesale.com/sneakers-c-1.html
isabel marant shop
isabel marant sneaker online

2 beardsxdoeq  
0

1 juventus-olspym  
0
sapul grabe! barbarian

Only registered users can add comments.
[ Registration | Login ]
Copyright MyCorp © 2026